Pagpili ng Agency

Pagpili ng Agency

Nasubukan mo na bang maglakad sa TM Kalaw ng araw. Makikita mo ang napakaraming tao ang nag aapply para makasakay ng barko. Galing sila sa ibat ibang sulok ng bansa, ibat ibang edad, ibat ibang istorya ng buhay. Sa maraming tao na nanduon, ilan kaya sa kanila and may makukuhang trabaho. Ilan kaya sa kanila ang makakaalis, ilan kaya sa kanila ang magtatagumpay? Isa na rin sa makikita mo sa paglalakad mo sa kalaw ang mga tanawin ng mga taong nag ooffer ng trabaho sa mga seaman. Ilan sa kanila legal, pero marami rin na ang plano ay kuhanan ng pera ang pobreng tao na walang kaalam alam na nahulog na siya sa patibong ng mga taong halang ang kaluluwa at walang pakialam sa kapuwa.

Ano ano ba ang mga dapat iconsider sa pagpili ng agency na papasukan?

1. Registered sila sa POEA at may karapatan silang magpaalis ng seaman.
2. Stablish sila na kumpanya at marami ng napaalis.
3. Hindi sila nanghihingi ng lagay sa pagproseso ng mga papeles para makaalis.
4. Ano- anong klase ng posisyon ang kanilang pinapaalis.

Kung sakaling nagpaplano na magbarko, magtanong tanong sa mga kakilala at nakaalis na tungkol sa agency na balak pasukan para malaman ang kanilang reputasyon sa pagpapaalis ng tao.

Lahat ng information regarding sa agency at trabaho na aaplyan ay makikita niyo sa list sa POEA, para makasiguro pumunta at magtanong sa POEA bago magapply.

Comments