Tanong ni Richard ng Baguio City
"hello po inspired po ako sa kwento nyo at impormasyon na nashare nyo, pangarap ko pong mag seaman at hanggang ngayon wala pa po akong nasakayan, tanong ko lang ho pag mag apply ka ba sa isang aggency kailangan na ba nila agad ang US visa? kasi po ala pa po akong US visa, salamat po.."
Based sa experience ko, hindi nila ako agad hiningian ng US Visa, sa pagkakaalam ko dapat makapasa ka na muna sa final interview(principal interview) mo bago ka bibigyan ng agency mo ng papeles para kumuha ng US Visa. At hindi sa lahat ng pagkakataon ay kakailanganin mo ang US Visa, dumedepende ito sa kung ang barko na iyong sasakyan ay may biyahe sa mga bansa o lugar na nasasakupan ng US Area of Responsibility, US Waters o kung dadaong o magjojoin ka sa US. Kung sa Europe ka naman magjojoin o sa Europe lang ang biyahe ng barko na sasakyan mo, European visa, schengen o visa ng bansang pupuntahan at dadaungan ang kailangan mong kuhanin. Huwag kang mag alala if ever naman ka kakailanganin mo ng visa kahit ano pa ito, sigurado naman na iinform ka ng agency mo sa tamang oras at tutulungan ka nila na gawin ang mga nararapat na papeles para sa pagkuha ng naturang visa.

Comments
Post a Comment